Wednesday, June 13, 2012

Good pictures from 2011.
Some white guy (Inset: April)
One of the best ways to explore Manila is thru this ride. Cool ride for emphasis.
Ice tea at beach? The best!
Although gusto ko ang larawan kung saan maraming tao ang naglalakad at hindi magkakakilala, madalas, nagugulat pa rin ako sa impact ng ganitong uri ng larawan.
Wow ang tagal ko na palang walang post. Nakatulog ako ng mahigit 2 years?

Monday, March 15, 2010

Si Naomi

Hindi ko pa alam na Naomi ang pangalan ni Annie (shaider) noon nang maisip ko na ito ang ipangalan sa anak ko. Ayaw ko lang kasi na masyadong maraming kapareha kapag tinatawag na sa kalye ang pangalan niya. May 9, 2005 nang una ko siyang makita. Sinilip ko siya sa malaking bintana ng Nursery room sa FEU. Siya ang pinakamaputi at malaki sa lahat nang batang umiiyak doon. Sabi nila, kapag unang beses mong nakita ang anak mo ay luluha ka at mangangarap ng malaki para sa kanya. Pero hindi ko naman naramdaman iyun. Iniisip ko kasi noon ang bill na babayaran ko.


Hindi pa tapos.