Bago ka makapasok sa LRT ay dadaan ka muna sa mga guwardiya sa may hagdanan ng istasyon. Kailangang ipakita mo sa kanila na bukas ang bag na dala mo. Hindi ako sigurado kung tinitingnan nila ang loob ng bag. Basta kailangan lang na makita nila na bukas ang zipper ng bag at nakapatong ito sa mesa na kanilang pangharang sa daanan. Pagdating sa taas, pila naman sa pagbili ng tiket ang sunod na obstacle mo. Meron din namang stored value pero siyempre nauubos din yun. Minsan nakakainis kasi kahit na kumpleto ang cashier sa bilihan ng tiket eh hindi lahat pwedeng bilhan. Tinatakpan nila ang maliit na butas sa harap nila kung saan mo kukunin ang tiket at ibibigay ang bayad. Kapag OK na pwede na sila mag-make up o kumain. Mahirap din kumain sa harap ng maraming tao. Nakakaconcious. Pagpasok mo naman sa flatform na tinatawag nila eh maghihintay ka naman ng tren na darating.
hindi pa tapos.
Wednesday, December 3, 2008
Friday, November 28, 2008
Sa Quiapo
Sabi ni Alvin, sikat ka na raw sa probinsya nila kapag napuntahan mo ang Quiapo. Kahit na ako, bago ko naisip na puntahan ang Ayala Center eh Quiapo muna ang gusto kong puntahan. Minsan nga naiisip ko na siguro noong past life ko eh nagtitinda ako ng kandila sa Quiapo. Siguro na rin eh dahil sa lumaki akong Katoliko kaya kapag may napupuntahan akong lugar eh simbahan ang una kong pinapasok. Sabi kasi nila eh meron ka raw 3 wish kapag unang pasok mo sa simbahan. Alam ko ginawa ko ito sa Antipolo, Mt. Carmel, San Sebastian at yung simbahan sa may daanan papunta sa Quiapo, at marami pang iba. Mahalaga sa mga katoliko ang simbahan. May niligawan pa nga ako dati sa simbahan sa loob ng FEU noong 2nd year college ako. Kaso pinalabas kami ng guwardiya kaya nawala ang "atmosphere" ng pag-ibig habang nag-uusap kami.
Sa Quiapo kasi, hindi mo kailangan ng maraming pera. Sa dami ng murang mabibili dito eh magsasawa ka talaga. Nakagagaan din ng loob ang pagdarasal lalo na kung halos 500gb ang bigat ng problema mo. Isa sa madalas kong puntahan doon ay ang mga santo sa gilid ng simbahan. Medyo tahimik iyun kumpara sa loob ng simbahan. Medyo may kalakasan nga lang magdasal ang ibang tao dito. Maririnig mo ang kanilang mga hinanakit sa buhay. Minsan iisipin mo na sana nag-usap na lang kayo kasi ganun din naman, alam mo na ang iniiyak-iyak nya.
Isa pang hindi mo maiiwasan sa Quiapo ay ang nagkalat na DVD! Oo, sa halagang 25pesos eh may DVD ka na! Hindi ko pinopromote dito ang mga ito. Sinasabi ko lang na may makikita kang DVD sa Quiapo na 25pesos lang. Isang karanasan ko dito ay noong hinila ako noong isang mama papasok doon sa tindahan nila sa loob ng isang building doon. Porn daw! Siyempre, nagpahila naman ako. Ang problema kasi dito ay kapag nandoon ka na eh parang obligado ka na bumili sa kanila. Eh wala naman akong magustuhan kaya wala akong mapili. Parang tatakutin ka nila kapag hindi ka bumili. Dahil nasa loob kayo ng building at walang ibang tao eh kakabahan ka rin. Kaya ang ginawa ko eh tinanong ko sila kung meron sila video scandal ni Kris Aquino. Siyempre nag-isip sila kung meron. Alam ko namang wala kaya malakas ang loob ko na hanapin sa kanila. Sabi ko series 'yun kung meron sila eh bibilhin ko lahat. Kaso wala sila maipakita kaya nakaalis ako na kunwari nanghihinayang na wala sila nun. Kaya ang lesson dito na natutunan ko ay mag-isip ng excuse kapag wala kang magustuhan sa tinda nila.
Haluhalo na ang tao sa Quiapo. Iba-iba rin ang problemang inilalapit nila sa altar. May humihingi ng tulong at mayroon namang nagpapasalamat. Subukan nyong puntahan kasi magakakaroon din kayo ng sariling kwento.

Kung lumaki ka sa probinsya...
Hindi alarm clock ang gumigising sa akin sa umaga kundi ang iyak ng mga gutom na baboy at tilaok ng mga manok. Kapag hindi pa rin ako bumabangon, sermon mula sa mga nakatatanda ang ipanghihilamos ko. Sa lahat ng ito, ang pinakamagandang parte ay ang almusal sa lamesa. Kung hindi pandesal na mainit, ay sinangag at tuyo. Choice mo ika nga. Kadalasan na isda ang ulam doon. Bihira kasi kumain ng karne ng baboy o baka ang mga tao doon. Ang mga ito kasi ay pangbenta lamang. Isa na rin sigurong dahilan kung bakit mas marami ang bilang ng matatanda sa probinsya kaysa sa Maynila. Pagkatapos kumain, lumalabas ako ng bahay at nagwawalis ng bakuran. Kailangan ko rin diligin ang mga orchids ng tiyahin ko. Mahilig kasi siya sa bulaklak. Kung tutuusin kami ang may pinakamagandang hardin sa tapat ng bahay sa kalye namin. Dito ko rin sa probinsya naranasan na lahat ng taong dumaraan sa tapat ng bahay n'yo ay babati sa'yo. Marami rin ang naglalako ng kung anu-ano. May nagbebenta ng isda, gulay, nag-aayos ng sapatos at payong, at nagbebenta ng produktong kalokohan lamang. Isa na rito iyung isang lalake na huminto sa tapat ng bahay namin at nagsabing nagbebenta raw siya ng pampakintab ng sahig. Ayaw niyang umalis kaya tinawag ko ang tiyahin ko upang makita nya ang ibinibenta ng lalaki. Ang bida eh kung ipapahid mo raw ito sa sahig ay hindi mo na kailangang lampasuhin (bunot pa ang gamit namin doon) pa ito. Konting punas lang daw at viola! Makintab na ang sahig mo waterproof pa. Ang ibinibenta niya ay likido na kulay pula at nakalagay sa bote ng gin. Kami na raw ang sumubok upang sigurado kami na walang daya. Nang hinawakan na ng tiyahin ko ang bote, inamoy niya ito at sinabing "thinner ito eh." Siyempre nahuli man eh hindi umamin ang lalake. "Hindi po thinner iyan, sa sahig po talaga ginagamit yan" sabi niya. Nagsalita muli ang tiyahin ko, "Tingnan mo ang dingding namin. May pintura ba?" Tumingin naman ang lalaki at tumango. "Kaya 'wag mong sasabihin sa akin na hindi ko alam kung ano ang thinner!" pagtataray ng tiyahin ko. Umalis na lang ang lalake at naglakad palayo sa amin. Lumagpas lang siya ng dalawang bahay mula sa amin at muli nitong isinigaw ang ibinibenta niya. Akala ko dati eh sa Maynila lang maraming manloloko.
Hindi pa ito tapos.
Hindi pa ito tapos.
Thursday, November 27, 2008
Sa aking unang kaibigan
Hindi siya nagsasalita. Tulad ko, siya yung tipong mapagmasid. Siguro kaya kami naging magkaibigan ay dahil sa nagtitinginan lang kami. Hindi ko alam ang tunay niyang pangalan dahil hindi naman niya sinabi sa amin o kahit sa akin. Kaya pinangalanan ko siyang "Slogo." Kung may ibig sabihin man iyun ay hindi ko na inisip. Minsan kasi nagiging kumplikado ang isang simpleng bagay kapag iniisip mong mabuti.
Madalas ako noong mapagalitan sapagkat lagi ko siyang binibigyan ng pagkain habang kumakain kaming mag-anak. Mahirap naman kasi talagang kumain habang may nakatingin sa bawat subo mo. Ang solusyon, hinuhulog ko sa mesa ang mga maliliit na piraso ng pagkain. Pero sabi nga nila, walang lihim na hindi nabubunyag. Kaya pinalalabas na siya ng bahay kapag kainan na. Sa kanya ko rin natutunan ang aking unang istilo ng paglalangoy. Langoy-aso ika nga. Pero bihira ko gawin ang istilong ito kasi nakakapagod. Kaya pala laging lawit ang dila nila habang lumalangoy. Si Slogo rin ang kasama ko kapag naghahatid ako ng tanghalian sa tiyahin ko at mga trabahador sa bukid. Lagi ko siyang sinasama kasi may dadaanan akong "Kampo Santo" bago makarating sa bukid. May isa kasing puntod ng intsik doon na may larawan ng namatay. Kahit na maliit ang mata ng nasa picture, pakiramdam ko nakatingin siya sa akin sa tuwing dumaraan ako doon. May shortcut kasi sa likod ng puntod na iyun papunta sa bukid. Isa pang problema ay kapag nakasampa na ako sa bakod sa likod ng puntod ay may bahay kung saan may isang babaeng nakatira. Sabi ng mga magbubukid eh sira-ulo daw iyun. Hindi ko alam kung tinatakot lang nila ako. Pero kapag nakikita ko naman ang babae ay hindi ko napapansin kung may sira nga siya. Siguro, dahil sa tumatakbo ako ng matulin.
Marami rin kaming pinagsamahan ni slogo bago siya nawala. Naaalaala ko pa noong gabing hindi na siya nakauwi. Nalungkot ako. Ulam kasi namin noon ay okra. Balak ko sanang papasukin si slogo habang kami ay kumakain at ihulog ng palihim ang okra sa kanya. Subalit hindi ko siya makita. Nakailang tawag ako sa kanya ngunit walang nangyari. Hinding-hindi ko makalilimutan ang gabing iyun. Ang gabing nawala si slogo at ang gabing isinumpa ko na hindi na ako kakain muli ng okra.

Tuesday, April 29, 2008
Simula
Minsan, pagkagising ko sa umaga, iniisip ko kung lalagyan ko ng gatas o coffemate ang kape ko. Hindi ko kasi gusto ang lasa ng kapeng may gatas o coffemate (para sosyal). Nawawala kasi ang pagiging kape ng iniinom ko kapag dinagdagan ito ng kung anu-ano. Siguro para akin, pandesal at asukal lang ang pwedeng idagdag sa kape. Siyempre para sa akin lang 'yun. May iba kasi na ginagawang sabaw ang kape. Ginawa ko rin yun pero isang beses lang. Nakita ko kasi ang aso namin na ganun din ang almusal.
Subscribe to:
Posts (Atom)